Matagumpay na Naisagawa ang Pista ng mga Talento
(Mental Health Management Protocol)

ANG Festival of Talents ay isang pagdiriwang o kompetisyon na naglalayong ipakita at ipagdiwang ang mga natatanging talento ng mga mag-aaral, guro, o mga indibidwal sa isang partikular na larangan o disiplina. Ang mga layunin ng nasabing pagdiriwang ay: pagpapakita ng talento ( ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal na ipakita ang kanilang mga natatanging talento at kakayahan), pagpapalakas ng kumpiyansa: (ang pagdiriwang ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal na magkaroon ng kumpiyansa sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga talento), at pagpapahalaga sa sining at kultura (ang festival ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal na ipakita ang kanilang mga talento sa sining, musika, sayaw, at iba pang larangan ng kultura).

Ang Rehiyon VII, Gitnang Visayas ay nagsagawa ng Pista ng mga Talentong Rehiyonal mula Abril 2-5, 2025, na pinangunahan ng Dibisyon ng Lungsod Talisay, Lalawigan ng Cebu. Ito ay nilahukan ng dalawampung dibisyon ng paaralan sa Rehiyon VII, na may tema na, “”Talino,Talento, at Pagkamalikhain ng Kabataan tungo sa progresibong Dibisyon ng Cebu.

Ang Dibisyon ng Paaralan ng Bohol ay lumahok sa nasabing pagdiriwang na pinangungunahan ng mga mataas na opisyal, OIC-SDS Fay C. Luarez EdD, PhD TM, CESO VI, ASDS Educardo A. Ompad PhD, CESE, CID Chief Carmela M. Restificar PhD, at SGOD Chief Wilfreda O Flor PhD. Ang Focal Person ng SDO Bohol ay si Dr. Jeanylette C. Ayson EPSvr-MAPEH. Kasama din ang mga sumusunod na mga tagamasid sa iba’t-ibang asignatura: Grace P. Mendez EPSvr-TLE, Evelyn H. Codilla ESPvr-Kindergarten, Pablito D. Villalon EPSvr-English, Josephine D. Eronico EPSvr-LRMS, Generosa T. Castillo EPSvr-Science, Felix C. Galacio Jr. EPSvr-Mathematics, Jupiter I. Maboloc EPSvr-Araling Panlipunan, at Ma. Maya V. Tumalon EPSvr-Values Education/Filipino. Kasama din sa delegasyon sina PSDS Lolita M. Kibir, RN Clinio Galviso, RN Ralph Rey C. Supremo, Jun Caliso, Mark Kim Banais, at Jean B. Raper. Sa pagtatapos ng nasabing pagdiriwang, noong ika-5 ng Abril 2025,  inaanunsyo bilang “Champion” ang SDO Bohol sa nasabing pagdiriwang.