
ANG Financial Literacy ay isa sa mga napakahalagang konsepto na dapat bigyan ng pansin sa buhay ng isang tao. Ilan sa masasabing malaking kahalagahan ng Financial Literacy sa buhay ng isang tao ay ang ma sumusunod: pagpapalago ng kaalaman sa pera; pag-iwas sa utang; pagpapalago ng seguridad sa pananalap; pagpapalago ng kakayahan sa paggawa ng desisyon; at pagpapalago ng kalidad ng buhay. Sa kabuuan, ang Financial Literacy ay may malaking kahalagahan sa buhay ng tao dahil nagtuturo ito kung paano magamit ang pera nang wasto, kung paano mag-save, at kung paano mag-invest para sa hinaharap.
Ang National Teachers and Employees Cooperative Bank (NTECB), ay isang kooperatibang bangko na pag-aari ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa Rehiyon VII at nasa ilalim ng pangangasiwa at kontrol ng labing-limang (15) miyembro ng Board of Directors at pinamamahalaan at pinapatakbo ng mga propesyonal na banker. Lisensiyado itong mag-operate bilang isang bangko ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong Mayo 24, 2001 at nagsimula ang operasyon noong Hunyo 2, 2001. Pangunahing lokasyon ng NTECB ay sa Kanto ng M.J. Cuenco at Juan Luna Avenue, Mabolo, Lungsod ng Cebu.
Ang NTECB o mas kilala bilang Teachers Bank ay nag-aalok ng mga sumusunod na produkto at serbisyo: Teacher Savers, Preferred Shares, Savings Deposits, at Salary Loans.
Noong Marso 1, 2025, ang Teachers Bank ay nagsagawa ng isang Seminar sa Financial Literacy sa mga sumusunod na distrito: 1)Buenavista District 1&2 – Buenavista Cultural Center; 2)Clarin District – Cultural Center; 3)Tubigon East District- Tubigon East Central ES; 4)Tubigon West- Tubigon Cultural Center; 5) Inabanga North – Liloan Norte Covered Court; 6)Inabanga South- District Office; at 7) Getafe 1&2 San Jose covered Court. Ang mga tagapagdaloy sa nasabing financial literacy seminar ay sina BOD Chair Recaredo G. Borgonia, GM Mary Faith R. Alvez, Dir Manuel Biongcog, AGM Tarhata S. Resente, Dir Leonilo B. Oliva, Gabriel Laurino, Dir Bianito A. Dagatan , MIss Carmi, Dir Rhea Mar A. Angtud, Honie E. Canque, Dir Nimfa D. Bongom Vikki Mondilla, Dir Ronald G. Gutay, and Ma. Maya V. Tumalon.