Oryentasyon sa Konsepto: Ang Kahalagahan Nito
(Mental Health Management Protocol)

SA KONTEKSTO ng pag-aaral at pag-unlad, ang oryentasyon sa konsepto ay may mahalagang papel sa paghubog ng mga kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral. Ang konteksto ay tumutukoy sa mga impormasyon o detalye na nakapaligid sa isang sitwasyon, pangyayari, o pag-uusap. Ito ay nagbibigay ng kahulugan at pag-unawa sa mga salita, parirala, o mga ideya na binabanggit.Ito ay nagbibigay ng mga batayan at pag-unawa sa mga konseptong pangunahin, na nagpapahintulot sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at pagtanggap sa mga bagong ideya at konsepto.

Ang DepEd Rehiyon VII, ay may ginawang “Oryentasyon ng mga Pansangay na Tagamasid at Mga Punong-Guro sa Batayang Kaalaman sa Pagtuturo ng Fiipino”, (RM 0055, s. 2025), sa DepEd EcoTech Center, Lahug, Cebu City, noong 5-7 ng Pebrero 2025. Ang nasabing oryentasyon ay may layuning:

  1. mapalawak ang kaalaman sa batayang prinsipyo ng pagtuturo ng Filipino;
  2. maipapakita ang halaga ng wika sa pagpapaunlad ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral; at
  3. mahihikayat ang aktibong pakikilahok ng mga Tagamasid at Punong-Guro sa pagpapahusay ng pagtuturo ng Filipino. 

Ang nasabing oryentasyon ay pinangungunahan ni  Dr. Elaine Figura Perfecio, Panrehiyong Tagamasid ng  Filipino sa Rehiyon VII. Ang mga sumusunod ay tinatalakay ang mga sumusunod: Sipat-Suri sa Filipino Batay sa Bagong Kurrikulum; Ortograpiyang Filipino; Korespondensiyang Opisyal; Pagtuturo ng Wika sa Filipino; Pagtuturo ng Panitikan sa Filipino; Padidisenyo na Pinagsanib na Modelong Pampagkatuto o Blended Learning Model sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino; Pamantayan sa Paglinang ng mga Story Book sa Filipino; Ang Banghay-Aralin ng Bagong Kurikum sa Filipino; at ang pagkakaroon ng Workshop: Pagsusuri sa Halimbawang Lesson Exemplar.

Ang nasabing oryentasyon ay dinaluhan ng dalawampung Pandibisyong Tagamasid at dalawampung piling mga Punong-Guro sa Rehiyon VII. Bilang isang Bohoana, karangalan at pagmamalaki na banggitin na isa sa mga piniling punong-guro mula sa Bohol ay mula sa Buenavista District II, Efrose John T, Mejias. Inaasahang isasagawa ang oryentasyon sa antas-dibisyon.